Tuesday, October 14, 2008

rainny day..

Umuulan na naman. walang sandaling hindi ko sya naaalala sa tuwing bubuhos ang ulan. umambon man o bumagyo. yun kasi ang simula ng pagdating niya sa buhay ko. kung saan, noong mga panahong iyon ay kontento na akong mag-isa.yung tipong walang karelasyon o commitment sa kahit na sino. sa panahong iyon kung saaan masaya na ako sa pamimili ng mga prospect boylet. dumating siya sa panahong hindi ko inaasahan, sa panahong magulo ang puso at isip ko.

Nang una ko siyang makita at makausap, nasabi ko sa sarili ko na "there's something in him". Na sa hindi ko masabing dahilan ay di ko maialis ang tingin sa kanya.

Siya ung tipo ng tao na tahimik lang at ngingiti- ngiti at punong puno ng misteryo sa katawan. Pero habang nagsasalita siya, naisip lko, kung may pagkakataon magkakasundo kami nito.

At hindi nga ako nagkamali. nadugtungan ang unang pagkikitang iyon ng isa pa at isa pa. Naging magkaibigan kami hanggang sa madevelop sa isa't isa.

Pero naisip ko, sapat na bang kami na? O dapat mas mahabang panahon muna kaming maging magkaibigan? Pero naisip ko din na nasa stage pa lang kami ng 'getting to know each other'. madedevelop pa ang relasyon namin na khit ako nalalabuan minsan.

Ang alam ko hindi siya demanding at bossy. Ako pa nga kadalasan ang ganun eh. Pero minsan gusto ko maging bossy, demanding, dominante at pakialamero siya. yung tipong pati personal kong buhay eh pakikialaman niya. Himdi dahil gusto lang niyang makialam kundi dahil concern siya sa akin. Dahil mahalaga at mahal niya ako.

Hindi ko pa siya nakikitang nagagalit, naiinis, nababagot, naiirita, nadadamdam, nagtatampo, nagseselos at nalulungkot. O baka naman masyado lang akong insensitive? Baka ako ang may diperensya?Baka hindi ko lang nakikita.?

Hindi ko alam kung bakit ko sinusulat ito. Siguro dahil malaksa ang ulan? malalim na ang gabi at namimiss ko na siya? O siguro dahil ang iingay ng mga palaka.?

No comments:

Post a Comment